PANIMULA/KALIGIRAN
Ano nga ba ang wika? Bakit
natin ito dapat pahalagahan?
|
Pilipinas..? Maliit na
bansa kung ikukumpara sa iba, ito ay nahahati sa 3 pulo ang Luzon, Visayas at
Mindanao, sa ibat ibang lugar sa bawat pulo mayroon tayong ibat ibang
dayalekto, Sa bawat probinsya may dayalekto na ginagamit sa partikular na lugar.
Bago pa man tayo nagkaroon ng wikang Tagalog, ay mayroon na tayong sari-sariling mga dialekto na ginagamit. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, maraming kultura, kaisipan, at kaugalian ang matatagpuan sa iba’t ibang panig nito, kasama na sa mga pagkakaiba ang wika kung saan mayroon tayong walong pangunahing mga dialekto: Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog at Waray. Ngunit ang dialekto sa Pilipinas ay hindi lamang walo kundi umaabot ng hanggang isang daan at pitungput lima.
Bago pa man tayo nagkaroon ng wikang Tagalog, ay mayroon na tayong sari-sariling mga dialekto na ginagamit. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, maraming kultura, kaisipan, at kaugalian ang matatagpuan sa iba’t ibang panig nito, kasama na sa mga pagkakaiba ang wika kung saan mayroon tayong walong pangunahing mga dialekto: Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog at Waray. Ngunit ang dialekto sa Pilipinas ay hindi lamang walo kundi umaabot ng hanggang isang daan at pitungput lima.
Upang magkaintindihan ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa, napagdesisyonan ni pangulong Manuel Quezon na gumawa ng isang pangunahing wika na magbubuklod sa iba’t ibang dialekto na nabanggit. At ito na nga ang wikang Tagalog. Nilalayon nitong mapagkaisa ang mga mamamayang Pilipino, dahil sa pagkakaisa makakamit ang pagunlad
MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN
Paano kung ang iyong mundong ginagalawan
ay madilim? Paano kung puro luntian? Iyong tipong sa bawat pagbaling ng ulo
mo ay iisang kapaligiran lang ang nakikita mo? Paano naman kaya kung iba-iba
ang kulay? Iyong pagkakataon na sa bawat galaw ng mga mata mo tila ba hindi
mo maintindihan ang mga bagay-bagay sa kung anong nakikita nito. Hindi ba’t
nakakasawa o maaaring sabihin na hindi ito maganda sa ating katauhan? Kung
kaya naman kinakailangan ng isang bagay na magbabalanse rito. Buhat dito,
tulad ng mga dayalektong mapapakinggan sa Pilipinas, kailangan ng isang wika
na kung saan magiging taga-pagbalanse o magiging ordinaryo para sa lahat –
ang wikang tagalog.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Kung wala ang wika, ano nga ba ang saysay ng buhay? Siguro marahil ya kayo mismo ay hindi lumubos maisip ang mangyayari sa ating kung wala ang wika? Hindi bat ang galing wika? Nagagawa nitong pag salitain ang pipe sa pamamagitan ng mga galaw ng katawan. Nagagawa nitong makakita ang bulag sa pamamagitan ng kanyang pandama at pandinig. At lalong nakamanghang malaman na ang bingi’y yakang makipag talastasan sa mga simbolong nakikita ng mga mata nito. DAYALEKTONG BUKOD-BUKOD, PINAG-ISA NG WIKANG TAGALOG. Isang simpleng linya na tila sadyang may makabuluhang nais iparating sa atin. Alinsunod dito, tunay nga namang kay sarap pakinggan at kay gandang makita na ang bawat mamamayan ay nagkakaunawaan hindi lamang dahil sa medyum ng pakikipagkomunikasyon kundi dulot na rin ng wikang ginagamit. Kung kaya naman, nararapat lamang na pag-ibayuhin o pagyamanin ang wikang ating kinalakihan o kinasanayan dahil may posibilidad na ito ay maglaho na lamang ng parang bula. Kaugnay ng mga nabanggit sa itaas na bahagi ng papel, ang wikang tagalog ay masasabing regalo – regalong nagsisilbing tali na siyang nagbubuklod sa hiwa-hiwalay na bahagi ng heograpiya ng bansang Pilipinas. Dagdag dito, ang bagay na yaon ang nagpapa-alaala sa mga tao na tayong lahat ay iisa lingid sa iba’t ibang kultura, paniniwala at relihiyon na mayroon ang bawat lugar o katutubo. Ganunpaman, wikang tagalog, ito ang isa sa mga bagay o katangian na hindi mo maipagkakailang may dugong Pilipino ka. RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN Isipin nyo na lamang kung wala tayong iisang wika, at napasyal kayo sa ibang rehiyon dito sa pilipinas, paano na lamang kayo makikipagugnayan o makikipagusap sa mga tao roon kung hindi tayo magkakaintindihan dahil sa pagkakaiba ng kanilang salita o wika. Lumalabas na tayo ay isang dayuhan sa sarili nating bansa, isang hindi magandang pangitain. Kamiy isang Pinoy sa puso’t diwa’y pinoy. Pinoy na isinilang sa ating bansa, kamiy hindi sanay sa wikang banyaga kamiy Pinoy na mayroong sariling wika” Hango sa linya ng isang awitin na nagbibigay alab sa damdamin natin upang bumangon ang ating pagkapilipino. Ang awiting magpasahanggang ngayon ay nakakintal pa rin sa ating mga gunita. Nais ipahiwatig ng awiting ito na tayong mga Pilipino ay may wika na binhi at nabuhay patak ng pawis at dugo na inalay ng ating mga bayani at dakilang tao na nagging parte ng pagtataguyod ng isang moog na bansa. Ngunit ang tanong na naglalaro sa isipin ng karamihan sa mga kapwa namin Pilipino ay tayoy isang bansa, subalit tayoy gumagamit ng maraming wika na may ibat ibang kahulugan na nagmula sa ibat ibang lugar, pano ang pagkakabuklod kung walang iisang wika na magbubuklod sa lahat? Kaya ito kadahilanan kung bakit namin napili ang paksa. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan. Ang araling ito ay naglalayong ipabatid sa lahat ng kabataan mula sa ibat ibang dako ng bansa na wikang Taglog ay ang wika na dapat maitatak at mapag-aralan ng bawat Pilipino at dapat nila malaman ang kahalagahan nito. Dito nagsisimula ang pambansang mithiin na magkabuklod ang lahat tungo sa minimithing pangarap na pag-unlad. Ang grupo ay naglalayong makapagbigay-kaalaman ukol sa paksang ito DAYALEKTONG BUKOD BUKOD PINAG ISA NG WIKANG TAGALONG. Ang layunin ng adbokasiyang aming nagawa ay mapag isa ang wika ng ibat ibang lugar na may ibat ibang dayalekto. Ang layunin naming ay para mas mag karoon ng pagkakaintindihan sa ibat ibang lengawahe na may roon ibat ibang bansa sa pamamagitan ng adbokasiyang ito magkaroon ng mas mayabong na kaunawaan ng bawat isa. Ang layunin naming ay mas maunawaan ng ibat ibang lugar ang kahalagahan at importansya ng may iisang wika. Ang layunin naming ay mas maipahayag sa ibat ibang lugar ang kahalagahan ng may iisang wikang tinatangkilik na mas maipaunawa sa ibang lahi na kapag nawala ang wikang tagalong mas mahihirapan silang kumonekta at makipag komunikasyon sa lahat. Mararami ang mabuting epekto ng wika sa ating sariling bansa. Nang simulan tayo sakupin ay binigyan nila tayo ng mabubuting bagay gaya ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, pagdami ng populasyon sa bansa at magandang pakikitungo sa kultura . Kilala tayong mga pinoy sa pagiging hospitable at madasalin. Simula nang pumanaw ang ating mga bayani ay nagpatuloy pa rin tayo ipalaganap ang ating wika dahil hindi tayo sumusuko sa ating sariling wika. Ang ating bansa ay may mararaming wika , kaya ginagawa natin ang ating makakaya upang maipagpatuloy ang ating wika dahil hindi lang natin ito pinapalaganap kundi ipinagdidiriwang din natin ito. Madalas sa paaralan nagaganap ang Buwan Ng Wika tuwing agosto dahil ang ibig sabihin nito ay hindi natin hinahayaan ang ating wika sapagkat dito tayo kilala bilang isang tunay na pilipino. DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
|
Mahusay na pagpapahayag ng saloobin sa kahalagahan ng Wika.. Good Job..
TumugonBurahinMaganda ang laman ng blog. Magaling!
TumugonBurahinmaganda ang nialalaman ng blog naiintindihan ko ang pinapahiwatig dito
TumugonBurahinMahusay at maayos na naipahayag ang sarili sa kahalagahan ng isang wika. Magaling!
TumugonBurahinMaganda ang nilalaman ng blog mo. Gusto ko ito
TumugonBurahinSa makabagong panahon na halos sa teknolohiya lamang naka tuon ang atensyon ng iba, nakakatuwa na makabasa ng ganitong blog kung saan di lamang pinapakita ang pagiging isang totoong Pilipino kundi maging ang pag mamahal sa sariling wika. Sana'y marami pang makabasa ng iyong blog at maiparating mo sa ibang tao ang kahalagahan at kagandahan ng konstekto nito. Mahusay!
TumugonBurahinMahusay ang mga salitang ginamit. Magandang mabasa ito ng mga Pilipino.
TumugonBurahin